Monday, 27 February 2017

"Pa'no Makalimot?"

ni: Rona Jean M. Diaz

Bago ka pumasok sa isang relasyon alam mo nang masasaktan ka. Lahat naman siguro ng umibig e nasaktan. Parte na ito ng buhay, pero pa'no nga ba makakalimot sa sakit ng kahapon dulot ng pagmamahal sa maling tao? Matutulungan kita dyan, 'di man ako eskperto pagdating sa pag-ibig may karanasan naman ako at napagdaanan ko narin yan.

Magsimula na tayo! Unang hakbang, dapat mong alalahanin muli ang mga panahong magkasama pa kayo, masaya at nagmamahalan. Masakit ba? Alam kong "Oo" ang sagot mo, masakit maalala ang mga iyan pero isipin mo sumaya karin sa piling niya at napangiti ka niya. Aminin mo?

Ikalawa mong gawin ay lumimot, hindi man lahat ng alaala, kahit yung sakit nalang. 'Wag kang maghiganti, walang idudulot na mabuti ang ganyang bagay. Alam kong hindi madali lumimot, perp isipin mong kailangan mong umusad at maging matatag muli.

Mag-usap kayo ang sunod mong gawin, komunikasyon ang tanging paraan para masarado na ang libro ng nakaraan. Sa pamamagitan niyan e malalabas mo yung sakiy at hinaing mo sa kanya. Pero dapat alam mo sa sarili mo na wala ng kayo dahil nakalimot ka na.


At ang panghuli ay ang magpatawad, palayain mo sa galit ang iyong puso. ‘Wag mong ikulong sa nakaraan ang puso mo. Kapatawaran ang syang daan para tuluyan mo nang malimutan ang sakit. Sa pamamagitan ng pagpapatawad eh, kahit magkasalubong kayo sa daan wala ng samaan ng loob. Pwede ngang maging magkaibigan nalang kayo, ‘di naman masama yun dba?

Sunday, 26 February 2017

Lechon Paksiw
Mga sangkap :
 ● 3-4 pounds left over lechon
 ● 1 tasang tubig (beef stock if available)
 ● 1 buong bawang na dinurog o tinadtad
 ● 2 1/4   Mang Thomas All-Around sarsa o liver sauce
 ● 1/2 tasang vinegar
 ● 1/4 tasang toyo
 ● 3/4 tasang brown sugar
 ● 1 kutsaritang buong paminta
 ● 1/2 tasang banana flowers/lily flowers(if not available use 8 pieces dried bay leaves)
 ● 2 malaking sibuyas, (chopped)
 ● 1 kutsaritang asin o depende sa panlasa

Pamamaraan ng pagluluto:
1. Isalang sa apoy ang kawali at pakuluin ang tubig o beef stock.
2. Ilagay ang bawang at sibuyas hanggang sa magmukhang malambot.
3. Ilagay ang paminta, banana flowers/lily flowers. Kung hindi available ang banana flowers/lily flowers ay gumamit dried bay leaves o mas kilala bilang laurel
4. Ilagay ang lechon at pakuluin sa mahinang apoy ng 30 - 35 minuto.
5. Ilagay ang suka(vinegar) at pakuluin sa mahinang apoy ng 10 minuto.
6. Ilagay ang asukal at Mang Tomas All Purpose Sauce o kaya ay liver sauce at hayaan ng 5 minuto
7. Timplahan ng asin depende sa panlasa
8. I handa sa hapag kainan.

Thursday, 23 February 2017

Panliligaw


          Isang tradisyunal o nakagawiang kultura ang panliligaw ng isang lalaki upang maipahayag niya ang kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig. Isa itong paraan ng panunuyo bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib at kasal.

Mga Paraan ng Panliligaw
Una ay ang pagsasagawa ng singing romantikong songs love, pagbigkas ng tula, pagsulat ng mga titik, at pagbibigay ng regalo

Pangalawa paggalang na umaabot sa miyembro ng pamilya ng babae.

Panghuli lalabas o maggde-deyt  ang mga magkasintahan o magiging magkasintahan upang magkakilala sila ng lubusan at makapagdesisyon kung maaari silang magkaroon ng kasunduang magpakasal sa hinaharap.

Ito ang mga paraan  upang maipahiwatig niya sa lalaki na kinakailangan muna niyang magtiis at magtiyaga sa panliligaw bago niya makamit ang matamis nitong "oo." Ito din ay isang paraan upang malaman ng babae ang kadalisayan ng intensyon ng kaniyang manliligaw. Ang ibang ligawan ay inaabot ng taon bago tanggapin ng babae ang pagmammahal ng lalaki.Ito ay isang panahon ny panunuyo bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib at kasal.