ni: Rona Jean M. Diaz
Bago ka pumasok sa isang relasyon alam mo nang
masasaktan ka. Lahat naman siguro ng umibig e nasaktan. Parte na ito ng buhay,
pero pa'no nga ba makakalimot sa sakit ng kahapon dulot ng pagmamahal sa maling
tao? Matutulungan kita dyan, 'di man ako eskperto pagdating sa pag-ibig may
karanasan naman ako at napagdaanan ko narin yan.
Magsimula na tayo! Unang hakbang, dapat mong
alalahanin muli ang mga panahong magkasama pa kayo, masaya at nagmamahalan.
Masakit ba? Alam kong "Oo" ang sagot mo, masakit maalala ang mga iyan
pero isipin mo sumaya karin sa piling niya at napangiti ka niya. Aminin mo?
Ikalawa mong gawin ay lumimot, hindi man lahat
ng alaala, kahit yung sakit nalang. 'Wag kang maghiganti, walang idudulot na
mabuti ang ganyang bagay. Alam kong hindi madali lumimot, perp isipin mong
kailangan mong umusad at maging matatag muli.
Mag-usap kayo ang sunod mong gawin,
komunikasyon ang tanging paraan para masarado na ang libro ng nakaraan. Sa
pamamagitan niyan e malalabas mo yung sakiy at hinaing mo sa kanya. Pero dapat
alam mo sa sarili mo na wala ng kayo dahil nakalimot ka na.
At ang panghuli ay ang magpatawad, palayain mo
sa galit ang iyong puso. ‘Wag mong ikulong sa nakaraan ang puso mo. Kapatawaran
ang syang daan para tuluyan mo nang malimutan ang sakit. Sa pamamagitan ng
pagpapatawad eh, kahit magkasalubong kayo sa daan wala ng samaan ng loob. Pwede
ngang maging magkaibigan nalang kayo, ‘di naman masama yun dba?
No comments:
Post a Comment